2 Kings 22:1-2

Ang Paghahari ni Josia sa Juda

(2 Cro. 34:1-2)

1Si Josia ay walong taong gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 31 taon. Ang ina niya ay si Jedida na taga-Bozkat at anak ni Adaya. 2Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon at sumunod siya sa pamumuhay ng ninuno niyang si David. At lubos siyang sumunod sa mga utos ng Dios.

Copyright information for TglASD